Inihayag ng Department Of Health (DOH) na kanila nang ipinauubaya sa Presidential Security Group (PSG) ang pagbabalik ng 100K doses ng sinopharm vaccine sa China.
Ayon sa DOH, ito’y makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabalik sa china g mga donasyong bakuna dahil sa kawalan ng mga ito ng Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa isang pahayag sinabi rin mismo ng tagapagsalita ng DOH na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire na PSG na ang bahala dito dahil sa kanilang naman ito i-dinonate.
Nauna rito, kapwa tinurukan ng sinpharm COVID-19 vaccine sina Pangulong Duterte at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.