Hindi inaalis ang pagsusuot ng face mask sa bansa.
Ito’y ayon kay Dr. Ted Herbosa, Chairman ng Emergency Medicine sa University of the Philippines – Philippine General Hospital, kung saan binigyang-diin nito na ipinasa lamang sa publiko ang desisyon kaugnay sa paggamit nito.
Sinabi ni Herbosa na mahalagang i-assess ng bawat isa ang kanilang mga sarili, partikular ang mga may comorbidities, kung patuloy na magsusuot ng face mask.
Malinaw rin aniya sa Executive Order no. 7 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask maging sa indoor areas.