Malamig si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na mananatiling patas ang mga senador sa pagboto at desisyon sakaling maiakyat na sa Senado ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senador Pimentel, dapat tutukan ng publiko ang paglilitis nang sa gayon ay maging husgado rin ang mga ito at makita kung sino ang talagang nagsasabi ng totoo.
Kaugnay nito, sakali aniyang maiakyat sa Senado ang reklamo sa susunod na linggo ay bibigyan nila ng pagkakataon si VP Sara na maipaliwanag ang kanyang panig. - Sa panulat ni Laica Cuevas