Ipinauubaya ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa ang pagpapatupad ng face-to-face classes.
Ayon kay CHED chairperson Prospero De Vera, hindi sila maglalabas ng anumang kautusan para obligahin ang mga paaralan para sa in-person classes kaugnay sa nalalapit na pasukan sa susunod na buwan.
Aniya, pinapayagan ng Komisyon ang pagpapatupad ng blended learning na nagsimula noon pang nakaraang taon kaya’t ang mga paaralan na ang bahalang magdesisyon kung kailangang ibalik nang 100% ang face-to-face classes.
Nabatid na mayroong mga Kolehiyo at Unibersidad na hindi nag-oobliga ng In-person classes ngunit mayroon namang mga kurso ang kailangang magsagawa ng harapang pag-aaral.