Posibleng sa Mayo pa o sa Hunyo mailabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang desisyon sa mga petisyong dagdag-sweldo.
Ito ay ayon kay labor undersecretary Benjo Benavidez, may mga petisyon na ring naihain sa regional wage boards para sa umento sa minimum na sahod na aniya’y dadaan pa sa mga pagdinig at public consultation.
Nasa P537 ang kasalukuyang minimum wage sa Metro Manila.
Una nang hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdagan ito ng 470 pesos para maging 1,007 pesos ang minimum na sweldo sa NCR.