I-aanunsyo na ng Arbitral Court sa The Hague, The Netherlands ang kanilang desisyon kaugnay sa maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa darating na Hulyo 12.
Sa ipinalabas na pahayag ng Tribunal, unang ipadadala ang desisyon sa mga parties sa pamamagitan ng e-mail.
Pagkatapos nito ay ipalalabas ang press release ng buod ng desisyon bandang alas-11:00 ng umaga.
Ang ilalabas ang desisyon ay nasa wikang Ingles, Pranses at Mandarin Chinese translation.
Matatandaang dumulog ang Pilipinas sa International Arbitral Court kaugnay sa pang-aangkin ng China sa halos buong bahagi ng South China Sea.
Bigo namang makipagtulungan dito ang China at sinabing hindi nito kikilalanin ang magiging desisyon ng nasabing korte.
By Rianne Briones