Inaasahang makapaglalabas na ng desisyon ang Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology (DOST) sa susunod na linggo.
Ito’y may kaugnayan sa kung nararapat ba o hindi ang pagbibigay ng ikatlong dose ng mga anti-COVID-19 vaccine bilang booster shots.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani ang Chairperson ng Vaccine Expert Panel, maraming bagay aniya silang ikinukonsidera sa pagbibigay ng booster shots.
Nilinaw ni Gloriani, sakaling payagan ay kanila nang uunahin ang mga healthcare workers sa mga tuturukan bilang dagdag panlaban sa virus.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na gumugulong na ang negosasyon ng gubyerno sa apat na manufacturer para magsuplay ng karagdagang bakuna.