Inaasahang ilalabas na sa susunod na linggo ang desisyon ng Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Techology (DOST) hinggil sa pagbibigay ng ikatlong dose ng bakuna kontra COVID-19 o booster shots.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani ang Chairperson ng Vaccine Expert Panel, maraming bagay aniya silang ikinukonsidera sa pagbibigay ng booster shots.
Nilinaw ni Gloriani, sakaling payagan ay kanila nang uunahin ang mga healthcare workers sa mga tuturukan bilang dagdag panlaban sa virus.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na gumugulong na ang negosasyon ng gobyerno sa apat na manufacturer para magsuplay ng karagdagang bakuna. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)