Pabor si Senate Committee on National Defense and Security Chairman senator Gringo Honasan sa desisyon ng AFP na hindi na magtakda ng deadline para sa ganap na pagbawi sa Marawi City mula sa Maute group.
Ayon kay Honasan, hindi praktikal na magtakda ng deadline ang militar sa grupong walang physical boundaries.
Aniya, ito ay dahil ang terrorism, islamic state at fundamentalism ay mga ideyolohiya na kailangan labanan ng mas mahusay na idea.
Giit ni Honasan, hindi lang military action ang kailangan para matapos ang gulo sa Marawi City, kundi dapat na sabayan din ng mahusay na pamumuno, maayos na koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at suporta mula sa publiko.
By Krista De Dios (With Report from Cely Bueno)
Desisyon upang hindi na magtakda ng deadline sa pagbawi sa Marawi City pinaburan ni Sen. Honasan was last modified: June 15th, 2017 by DWIZ 882