Inaasahang malalaman na ngayong araw ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa suhestiyon ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ito yung rekomendasyong 4-day work week at Work From Home (WFH) set up para makatipid bunsod ng taas-presyo sa langis.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ngayon malalaman kung pagtitibayin o hindi ang mungkahi ng neda.
Sa ngayon naipaliwanag na sa pangulo ang magiging benepisyo ng mungkahi tulad ng tipid sa oras, pagkain, pamasahe at iba pa. sa panulat ni Abyy Malanday