Iginiit ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pinal na ang desisyon niyang huwag sumabak sa 2016 Presidential elections.
Sinabi ni Duterte na wala na siyang magagawa pa para magbago ang kaniyang isip lalo na’t nakapag-anunsyo na siyang hindi tatakbo sa halalan.
Inulit ni Duterte ang naunang pahayag na magreretiro na siya matapos ang kaniyang termino bilang alkalde ng Davao at ang anak niyang si Sarah ang tatakbo muli sa pagka-alkalde ng lungsod.
By Judith Larino