Minaliit lamang ng China ang anumang desisyong ilalabas ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.
Ito’y kaugnay pa rin sa reklamo ng Pilipinas laban sa China hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry – Department of Treaty and Law Director General Xu Hong, walang sinumang magse-seryoso sa resulta ng tinawag nilang palabas ng Pilipinas hinggil sa usapin.
Gayunman, patuloy aniyang umaasa ang China na mapagtatanto rin ng Pilipinas ang pagkakamali nito at magpasyang bumalik na lamang sa bilateral talks upang maresolba ang usapin.
By Jaymark Dagala