Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon nito hinggil sa pagpapalibing kay yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ito’y makaraang ibasura ng high tribunal ang mga inihaing motion for Reconsideration gayundin ang petition for indirect contempt laban sa pamilya Marcos at AFP.
Magugunitang nasupresa ang lahat nang ituloy ng Pamilya Marcos at ng AFP ang paghihimlay sa labi ng yumaong diktador sa kabila ng mga nakabinbing mosyong inihain sa high tribunal hinggil dito.
Una nang iginiit ng mga petitioners na hindi dapat maihimlay sa Libingan ng mga Bayani si Marcos dahil sa libu-libong napatay sa ilalim ng kaniyang rehimen na pawang mga biktima umano ng paglabag sa karapatang pantao.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo