Kinontra ni Senador Antonio Trillanes IV ang desisyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights na ituon na lamang ang mga susunod na pagdinig sa isyu ng extrajudicial killings at tuldukan na ang usapin ng Davao Death Squad (DDS).
Sinabi sa DWIZ ni Trillanes na ang mga ibinunyag sa senate hearing ni Edgar Matobato ay malinaw na validation ng naging pag-amin mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa operasyon ng Davao Death Squad.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV
Kaugnay nito, hindi din aniya sila nasabihan ni Senador Leila de Lima sa isinagawang caucus ng Senate Committee on Justice and Human Rights kahapon.
Ayon kay Trillanes maituturing na unparliamentary ang naturang hakbang ni committee chair Richard Gordon.
Sinabi ni Trillanes na nabalitaan na lamang nilang nagdesisyon ang komite na ituloy ang pagdinig subalit mag-focus na lamang sa isyu ng extrajudicial killings at huwag nang tutukan ang Davao Death Squad.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas