Desperadong hakbang ang paglipat ng Department of Health (DOH) sa 42 billion pesos budget sa Department of Budget and Management – Procurement Service upang ipambili ng medical supplies.
Ito ang inamin ni Health Secretary Francisco Duque III sa senate hearing sa 2022 proposed budget ng DOH.
Ayon kay Duque, mababa ang supply ng face masks at personal protective equipment nang mamahagi ang kagawaran sa mga komunidad na naapektuhan nang sumabog ang taal volcano noong Enero 2020.
Marami rin anyang mga tauhan ng ahensya ang na-isolate, na-quarantine o na-ospital habang may ilang namatay at may mga pondo para sa TB, HIV, family planning na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin.
Ito umano ang dahilan kaya’t nang tinambakan ang DOH ng panibagong procurement demands ay nahirapan sila.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi nakialam ang DOH sa procurement dahil hindi nila ito mandato.—sa panulat ni Drew Nacino