Posibleng naiwasan sana ang malaking pinsala at malaking bilang ng mga nasawi sa Marawi City kung hindi nagdeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman na kabilang sa Magnificent 7 at isa sa mga petitioner kontra sa deklarasyon ng Martial Law gayundin sa suspensyon ng Privilege of the Writ of Habeas Corpuz sa Mindanao.
Muling naindigan si Lagman na hindi sa pag-atake ng mga terorista nakuha ng Marawi ang napakalaking pinsala nito kundi sa ginawang air strikes ng pamahalaan.
Kasunod nito, tinawag ni Lagman na destroy and compensate ang polisiya ng Pangulo sa marawi na aniya’y sobra nang gasgas at palyado dahil sa walang naidudulot na ganda sa bansa.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc