Dapat tutukan ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ang mga plano para sa ekonomiya, partikular as Build, Build, Build Program.
Ito ang inihayag Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Ayon kay Ortiz-Luis, nais nilang marinig ang mga detalyadong plano ng pangulo sa agrikultura, lalo sa produksyon ng pagkain at paano mababawasan ang importasyon.
Pagdating naman sa labor issue, dapat anyang i-prayoridad ng pangulo ang paglikha ng mas maraming trabaho.