Tatalakayin pa ang mga limitasyon ng paggamit ng estados unidos sa bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement Sites (EDCAs) sa Pilipinas.
Ito ang nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa issue kung papayagan ng Pilipinas ang U.S. na itago ang military assets nito upang ipagtanggol ang taiwan sakaling salakayin ng China.
Ayon kay Secretary Manalo, isasapinal pa ng dalawang bansa ang mga detalye sa access ng U.S. Armed Forces sa apat na bagong EDCA sites, kung saan maaaring pansamantalang itago ang military logistics sa rotational basis.
Nakadepende anya ang magiging desisyon access sa EDCA sites sa gugulong na diskusyon hinggil sa mga uri ng aktibidad at terms of reference sa mga itinalagang lugar.
Noon lamang isang linggo nang i-anunsyo ng pamahalaan ang lokasyon ng apat na karagdagang EDCA sites, dalawa sa Cagayan, isa sa Isabela habang isa sa Palawan.