Inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga hakbang na gagawin sa pilot implementation ng pagbabakuna sa mga menor de edad na nakatakdang simulan sa Oktubre 15.
Sisimulan ang pagbabakuna sa mga edad 15 hanggang 17 anyos sa anim na ospital sa NCR na may kakayahang tumugon sakaling magkaroon ng adverse effects ang bakuna sa mga kabataan.
Sa phase 2 naman na isasagawa sa Oktubre 22, ay gagawin ang pagbabakuna sa piling lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Pagdating sa ikatlong phase ay gagawin na ang pagbabakuna sa buong NCR at iba pang mga lugar na mas mataas sa 50% ang vaccination rate sa senior citizens.
Ayon kay Galvez, kabilang sa mga posibleng maunang rehiyon ay ang CAR, CARAGA, at regions 1, 2, 3, 4A, 8 at 10.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico