4 na beses nag-overtime ang Detroit Pistons bago tuluyang matalo ang Chicago Bulls sa iskor na 147-144.
Nagsanib-pwersa sina Andre Drummond na kumamada ng 33 puntos at 21 rebound at Reggie Jackson na nagdagdag pa ng 31 puntos at 13 assist.
Kahit nasa home court nila ang Bulls, hindi pa rin ubra ang nasabing koponan at nawalang-saysay ang 43 puntos ni Jimmy Butler.
Ito na ang 13 laro sa kasaysayan ng NBA na umabot sa 4 ang overtime.
By: Avee Devierte