Pinataob ng Brooklyn Nets ang Detroit Pistons sa score na 96-90 sa kanilang laro sa NBA.
Kumamada si Kevin Durant ng 29 points habang nagdagdag naman si LaMarcus Aldridge ng 16 points para sa Nets.
Sa isa pang laro, pinahiya naman ng New York Knicks ang Milwaukee Bucks matapos itong ilampaso sa score na 113-98 sa kanilang sariling bakuran.
Si Julius Randle ang nanguna sa Knicks sa pamamagitan ng kanyang 32 points.