Hindi kawalan sa Pilipinas ang Millennium Challenge Corporation Compact o Development Grant.
Magugunitang ipinagpaliban ng US AID Agency ang muling pagpili sa Pilipinas bilang recipient ng Multi-million Dollar grant dahil sa rule of law at human rights concerns.
Ayon kay NEDA Director Ernie Pernia hindi mahalaga ang naturang grant lalo nat maraming bansa ang interesadong maglagak ng puhunan sa bansa.
Ipinagmalaki pa ni Pernia na maaaring makapag loan ang Pilipinas sa ibang financial institutions tulad ng China Led ASIAN Infrastructure Investment Bank, Asian Development Bank at World Bank.
By: Judith Larino / Aileen Taliping