Tuloy ang development program ng European Union sa Pilipinas sa kabila ng deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap ng tulong ang bansa mula rito.
Binigyang diin ni EU ambassador Franz Jessen na ang kanilang development assistance ay para talaga sa bansa, sa mga kumpanya nito, sa mga Pilipino at sa kalusugan at edukasyon ng mga ito.
Ipinabatid ni Jessen na halos 250 million euros na halaga ng tulong ang mawawala sa Pilipinas sa sandaling tanggihan ng gobyernong Duterte ang ibinibigay nilang tulong sa Pilipinas.
Bahagi rin anya ng kanyang grants ay para sa rehabilitasyon ng Marawi City na una na nilang binigyan ng halos 1 million euros.