Posibleng ang dexamethasone na ang ‘di umano’y kauna-unahang gamot na epektibong nakapagpapagaling ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay ito sa resulta ng clinical trial na isinagawa ng team recovery sa United Kingdom.
Itinuturing ng mga siyentipiko na major breakthrough sa clinical trial ang mabilis na recovery ng mga kritikal na pasyente na binigyan ng dexamethasone.
Karamihan umano sa ginamit sa clinical trial ay mga pasyente na nasa ventilators at oxygen dahil hirap sa paghinga.
Ang dexamethasone ay isang generic steroid na ginagamit sa ibang sakit upang makapagpahupa ng pamamaga.