Aminado ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa umuusad ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikansela na ang Visiting Forces Agreement (VFA) –isang kasunduang pangmilitar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa hearing ng senado, sinabi ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin na mayroon na syang inihandang notice of termination subalit hindi pa nya ito ipinadadala sa Estados Unidos, sa utos na rin ng pangulo.
Sa kanyang opening statement, inisa-isa ni Locsin ang mga benepisyong nakukuha ng Pilipinas sa VFAtulad ng military assistance, financial grants at garantisadong tulong sakaling atakihin ng ibang bansa ang Pilipinas.
Ayon kay Locsin, mas may benepisyo para sa Pilipinas ang pagpapatuloy ng VFA kaysa kanselasyon.
The regular presence of US forces, including those conducting freedom of navigation operations to the South China Sea, including the West Philippine Sea, serves as a deterrent to aggressive actions in the West Philippine Sea,” ani Locsin.