Hinimok ni Aangat Tayo Partylist Representative Harlin Neil Abayon ang DFA o Department of Foreign Affairs na i- invoke na ang ‘extradition treaty’ sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Abayon, dapat magtulungan ang DFA at si Ambassador Sung Kim kaugnay sa pag – aresto ng tumakas na suspek sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III na si Ralph Trangia.
Ani Abayon, maaari nang tumayong facilitator si ambassador kim ng DFA at DOJ o Department of Justice sa US state department at US justice department.
Nauna rito, kinumpirma ng TECO o Taiwan Economic Cultural Office na lumipad patungong Chicago si Trangia sakay ng BR56 pagkagaling nito sa Taipei.
Giit ni Abayon, maituturing na fugitive si Trangia kaya dapat lang magsagawa ng ‘wide-ranging, inter-state manhunt operations’ ang DFA at US government laban dito.