Sarado muna ang lahat ng consular offices at temporary off site passport services ng Department of Foreign Affairs sa Metro Manila sa panahon ng ECQ mula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon sa DFA padadalhan na lamang ng advisory via email ng bagong appointment schedule ang mga passport applicants na apektado ng ECQ.
Samantala ipinabatid ng DFA na i-accommodate naman ng DFA Aseana business park office sa Paranaque City na mayruong original date at oras ng appointments ang mga aplikante para sa apostille/authentication services sa DFA consular offices sa Ali Mall Cubao, SM Manila, SM Megamall at Metro Gaisano Alabang mula Agosto 6 hanggang 20.
Nilinaw naman ng DFA na walang tatanggaping walk- in applicants ang DFA Aseana office.
Inihayag ng DFA na maaaring mag email sa cl@dfa.gov.ph para sa kaukulang appointment ang mga mayruong emergency at urgent medical travel needs.