Wala pang planong maglabas ng travel advisory ang Department of Foreign Affairs o DFA sa mga bansang may outbreak ng zika virus.
Ito’y ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose ay dahil sa patuloy pa nilang binabantayan ang sitwasyon sa mga lugar na may naninirahang mga Pilipino.
Una nang idineklara ng World Health Organization o WHO ang zika bilang international public health emergency.
Ilan sa mga bansang apektado ng virus ay ang Brazil, Bolivia, Colombia, Costa Rica, Venezuela, Honduras, Mexico, Samoa at iba pa.
By Katrina Valle | Jaymark Dagala | Allan Francisco