Nanindigan ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magiging patas ang isasagawang imbestigasyon laban kay dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na nahaharap sa isyung pangmamaltrato.
Ito’y makaraang maghayag ng suporta kay Mauro ang dalawang grupo na kinilalang ‘Department of Foreign Affairs Career Officers Corps’ at ‘Retired Ambassadors Association’ na umano’y binuo ng mga dating diplomats ng bansa.
Sa isang pahayag, mariin itong pinabulaanan ng DFA, at sinabing wala silang alam sa nasabing grupo, at binigyang diin nto, na anuman ang sabihin ng 2 grupo, ay hindi kumakatawan sa kabuuang pananaw ng ahensya.
Dagdag pa ng DFA, gugulong imbestigasyon sa ngalan ng batas sa bansa, at magiging patas anila ang dfa sa isyu.
Nauna rito, nag-trend ang CCTV footage na makikitang makailang ulit na minamaltrato ng dating opisyal ang kanyang Pinay helper sa loob mismo ng kanyang diplomatic residence sa Brazil.
Kaugnay nito, nakabalik na ng bansa si Mauro, at nanindigan din ang kampo ng kanyang Pinay helper na handang tumestigo laban kay Mauro.