Dismayado ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ilang employer sa Hong Kong matapos sibakin ng mga ito ang mga OFW sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa twitter post ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., inihayag nito na pauuwiin na lamang ng Pilipinas ang mga OFW na nawalan ng trabaho.
Dahil dito, inihahanda na umano ang “repatriation pronto” para sa mga apektadong OFW.
Batay sa isang Chinese news website , isa sa mga dahilan kung bakit tinanggal umano ang mga OFW ay dahil sa pangamba ng mga employer na makapagdala ito ng virus dahil sa paglabas ng mga ito tuwing day off sa kabila ng pagkalat ng sakit sa bansa.