Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi aatras ang Pilipinas kaugnay sa ginagawang konstruksyon ng China ng military facilities sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni Cayetano kasunod ng babala ni Professor Jay Batongbacal, Director ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea na ang mistulang kawalang aksyon ng Pilipinas ay parang pagtanggap na rin sa pagiging dominante ng China sa pinag-aagawang isla.
Paliwanag ni Cayetano, nagiging maingat lamang ang bansa sa pagharap ng nasabing isyu at kailangan makabuo muna ng mutual trust para sa mas maayos na pag-uusap.
Dagdag pa ni Cayetano, kailangan ding maging sensitibo sa pagtalakay sa nasabing usapin dahil hindi lang ang Pilipinas at China ang claimants sa pinag-aagawang isla.
Inaasahan naman na tatalakayahin ang panibagong pagtatayo ng China ng istraktura sa West Philippine Sea sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa Code of Conduct in the South China Sea.
—-