Gumawa na ng hakbang ang DFA Office of Consular Affairs upang mapabilis ang proseso sa pagkuha ng passport.
Ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, nag-adjust sila upang mabawasan ang waiting time o paghihintay ng mga passport applicant sa ASEAN Building.
Ilan aniya sa gagawin nilang adjustments ay ang pagkuha ng karagdagang frontline personnel kabilang na ang mga processor, cashier at data encoder, gayundin ang pagdaragdag ng personnel sa consular Affairs sa Public Affairs Section.
Ipinabatid ni Jose na binago rin ang layout ng work stations at location ng service provider upang mas gabayan ang mga aplikante.
Bukod dito, naglagay din aniya sila ng dedicated OFW lanes para sa mga aplikanteng OFW at pinalakas din ang courtesy lanes para sa mga Senior Citizen, buntis at Person With Disabilities o PWD’S.
By: Meann Tanbio