Nakahandang maghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung makukumpirma ang panibagong alegasyon laban sa China.
Kaugnay ito sa di umano’y pagpapaputok ng China ng warning flares sa mga barko ng Pilipinas na nagpapatrulya sa West Philippine Sea mula noong Enero hanggang Hunyo ng taong ito.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na kailangan pa nya ng kumpirmasyon mula sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Ayon kay Locsin, wala syang tiwala sa civilian sources at ang Armed Forces lamang anya ang dapat pagkatiwalian sa mga ganitong bagay.