Dapat magpakita na ng tapang ang Department of Foreign Affairs o DFA kaugnay ng insidente ng pang-aarbor ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough o Panatag Shoal.
Iyan ang hamon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon makaraang umani ng iba’t ibang reaksyon ang inilabas na dokumentaryo ng isang TV network hinggil sa insidente.
Ayon kay Drilon, sapat na ang video footage na inilabas ng naturang news team upang mapatunayan ang ginagawang pangha-harass umano ng Tsina sa mga mangingisdang Pinoy.
Kailangan aniyang protektahan ng pamahalaan ang teritoryo ng bansa at igiit sa China ang pagkatig ng international Arbitral Court hinggil sa kung aling bansa ang may tunay na karapatan sa naturang karagatan.
—-