Tumanggi ang Department of Foreign Affairs na magpalabas ng travel advisory sa Hong Kong.
Sa harap ito ng malawakang kilos protesta sa central business district doon bilang pagkundena sa anila’y tangkang pagharang ng mainland China sa kalayaan ng Hong Kong government.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, hindi pa kailangan ngayon ang pagpapalabas ng travel advisory.
Sa kabila nito, masusi aniyang mino-monitor ng Philippine consulate sa HONG kong ang sitwasyon doon.
Pinapayuhan naman ng DFA ang mga OFW sa Hong kong Na iwasan munang magtungo sa mga lugar kung saan may mga pagkilos.
By: Avee Devierte / Allan Francisco