Hinikayat ng Department of Foreign Affairs ang lahat ng mga filipinong mangingibang bansa kabilang ang mga OFW’s, immigrants, seafarers at mga estudyante na magparehistro na sa overseas absentee voting para sa 2022 elections.
Ayon sa DFA, aarangkada na simula sa December 16, 2019 ang overseas absentee voters registrations sa anumang Embahada ng Pilipinas, Consulate General, Mission o Manila Economic at Cultural Office sa iba’t ibang mga bansa.
Gayundin sa mga itinakdang overseas registration centers ng Comelec o Commission on Elections.
Tatagal anila ang pagpapareshistro sa overseas absentee voting hanggang September 30, 2021.
Kasabay nito, hinimok din ng DFA–overseas voting secretariat ang mga na-deactivate na overseas voters na muling magparehistro para makalahok sa susunod na halalan.
Batay sa datos ng DFA-OVS, umaabot sa mahigit 500,000 mga overseas voters ang inalis ng Comelec sa listahan ng mga botante matapos hindi makaboto noong 2016 at 2019 national at local elections.