Hiniling ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa UN o United Nations na pumili ng ibang ipapadalang kinatawan sa Pilipinas bukod kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard.
Ayon ito sa Department of Foreign Affairs kasunod ng pahayag ni Cayetano na bukas na ang Pilipinas na magpa-imbestiga sa UN kaugnay sa kasalukuyang estado ng human rights sa bansa.
Ayon sa DFA, sinabi ni Cayetano na hindi makapagbibigay ng patas na assessment si Callamard dahil kumikiling ito sa mga oposiyon at ito’y isang kilalang krtikiko ng Pangulong Rodrigo Duterte, na minsan na nitong tinawag na mamamatay tao.
Una nang inimbitahan ng Malakanyang si Callamard sa kondisyong makikipag-debate ito sa Pangulong Duterte sa harap ng publiko, bagay na tinangihan ni Callamard dahil labag umano ito sa protocol ng UN Human Rights Council.