Pinapurihan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sina U.S. Ambassador the Philippines Sung Kim, Philippine Ambassador Babe Romualdez at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Kasunod ito ng pag-alis ng U.S. Department of Homeland Security ng ipinalabas na security advisory laban sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pinasalamatan din ni Locsin si DFA Assistant Secretary for American Affairs Maria Lumen Isleta sa tuloy-tuloy na pakikipag-usap sa U.S. Department of Homeland Security.
Samantala, binati naman ni U.S. Ambassador Sung Kim ang pagtutulungan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at U.S. Transportation Security Administration para mas mapabuti ang sitwasyon at seguridad sa NAIA na naayon sa pamantayan ng International Civil Aviation Organization.