Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng ahensya.
Ayon kay DFA Spokesman at Assistant Secretary Robespierre Bolivar, nakalatag na ang transition mula kay acting Secretary Enrique Manalo patungo kay Cayetano.
“Ipina-abot na rin po namin sakanya yung pagbati namin sa kagawaran at ini-insure na po natin yung transition from Secretary Manalo to Secretary Cayetano”, ani Bolivar.
Samantala, wala anyang dapat ikabahala sa mga inilabas na travel warning ng US at UK sa Palawan.
Ipinaliwanag ni Bolivar na natural lamang na maglabas ng mga ganitong babala ang mga foreign country lalo’t para sa kaligtasan naman ito ng kanilang mga mamamayan sa ibayong dagat.
“Sa pagkakaintindi ko po eh agaran nilang ipapadala sa mga security agencies natin para maipasa na yung impormasyon at ma-aksyunan kung may kailangan aksyunan. Ngayon po, ito eh, rule ng mga embahada ng mga foreign country na pangalagaan yung kaligtasan ng kanilang mga citizens. In fact, miski po tayo, yung mga embahada natin sa iba’t ibang bansa ganun rin ho ang approach natin, tiyakin na mapangalagaan yung seguridad ng ating mga kababayan sa ibayong dagat at ina-accept rin po natin yung mga security situation”, bahagi ng pahayag ni Bolivar sa panayam ng DWIZ.
By Drew Nacino |Karambola (Interview)