Ikinokonsidera na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapapasok sa mga unvaccinated individuals sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pagtanggal sa quarantine requirements para sa mga international travellers at Returning Overseas Filipino (ROFs) kung nabakunahan na laban sa COVID-19 at magpapakita ng negatibong RT-PCR test result.
Pero ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., dadaan ang mga unvaccinated individual sa mahabang quaratine upang hindi makapanghawa sa iba kung sakali.
Noong Nobyembre nakaraang taon unang inihayag ang plano na dapat sanang ipapatupad mula Disyembre 1 hanggang 15. —sa panulat ni Abby Malanday