Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs o DFA sa konsulado ng Pilipinas sa Milan, Italy para i-monitor ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.
Ito ay matapos na mag-collapsed o bumigay ang bahagi ng tulay sa Genoa, Italy na ikinasawi ng hindi bababa sa tatlumpu (30) katao.
Ayon kay Consul General Irene Susan Natividad, nagpadala na sila ng kanilang team sa Milan para alamin ang kalagayan ng nasa mahigit 1,600 Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa naturang bansa.
Umaasa naman ang DFA na ligtas at walang nadamay na Pinoy sa naturang insidente.
—-