Inaalam na ng DFA o Department of Foreign Affairs kung may pilipinong nasaktan sa naganap na pagsabog sa isang political rally sa Meskel Square, Addis Ababa, Ethiopia.
Ayon kay Ambassador Cairo Leslie Baja, biniberipika na ng embahada kung may nadamay na pinoy sa naturang pagsabog.
Tinatayang nasa 800 miyembro ng Filipino community ang nanatili sa nasabing bansa.
Kasabay nito, pinayuhan ang mga Pilipino na iwasan na magtungo sa Addis Ababa at huwag ding makiisa sa ano mang kilos protesta.
Sa huling ulat, isa na ang namatay habang 154 ang sugatan sa pag atake.