Inaalam na ng Department of Foreign Affairs o DFA kung may nadamay na Pinoy sa krisis na naganap sa Bamako, ang kabisera ng bansang mali.
Kaugnay ito ng walang habas na pamamaril kahapon sa isang hotel kung saan nagpupulong ang mga diplomat.
Ayon sa DFA, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Mali upang malaman ang kalagayan ng ating mga kababayan doon.
Batay sa datos ng pamahalaan, nasa 100 OFW’s ang nagtatrabaho at nakabase sa Mali.
Una nang inako ng grupong may kaugnayan sa Al Qaeda ang krimen na nag-iwan ng mahigit sa 20 kataong patay.
By Allan Francisco