Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na hindi nila tatanggapin ang mga indibidwal kabilang ang menor de edad na hindi bakunado kontra COVID-19.
Ayon sa DFA, ipinatupad ng shopping malls ang naturang restriksyon kung saan nakapwesto ang ilang consular ioffices at Temporary Off Site Passport Services (TOPS).
Ito’y kasunod na rin ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa alert level 3.
Samantala, hinikayat naman ng DFA ang mga hindi pa bakunadong indibidwal kabilang na ang mga menor de edad na alamin ang mga regulasyon sa mall bago pumunta sa kanilang appointment.