Ipinatawag na ng Department of Foreign Affairs o DFA si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil sa presensya ng barko ng Chinese Navy sa Sulu Sea.
Sa inilabas na pahayag ng DFA, pumasok ang barko ng People’s Liberation Army-Navy o Plan sa teritoryo ng Pilipinas nang walang permiso mula Enero 1 hanggang Pebrero 1.
Nakaabot ito sa Palawan’s Cuyo Group of Islands at Apo Island sa Mindoro.
Bagama’t naman hinamon ng Philippine Navy ang barko ng China na umalis na, hindi ito nagpatinag at nananatili pa rin ng tatlong araw.—sa panulat ni Abby Malanday