Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA ang pagkakaaresto sa isang Pinay matapos umanong magtangkang magpuslit ng cocaine sa Hong Kong.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman at Assistant Secretary Charles Jose, ang 37-taong gulang na telephone operator na suspek ay dumating sa Hong Kong noong weekend.
Natuklasan umano sa luggage ng hindi pinangalang Pinay ang hinihinalang cocaine na sa kabuuan ay tumitimbang ng mahigit 700 gramo at nakakahalaga ng 750,000 dollars.
Sinabi ni Jose na pormal nang kinasuhan ng drug trafficking ang naturang Pinay at hinihintay na lang ang itatakdang bail hearing at pagdinig sa kanyang kaso.
By Jelbert Perdez