Itinaas na ng Department of Foreign Affairs o DFA ang Alert Level 1 sa Guam at Northern Mariana Islands at hinimok ang mga Filipino na maging alerto at i-monitor ang sitwasyon sa gitna ng bantang pag-atake ng North Korea.
Sa ilalim ng Alert Level 1 o precautionary phase, dapat kilalanin ng mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Guam na “hindi ordinaryo” ang sitwasyon kaya’t dapat itong tutukan.
Kabilang sa mga dapat ihanda ang mga passport at iba pang dokumento lalo ang mga bag na may mga supply gaya ng pagkain at tubig.
Samantala, muling tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano na nakalatag na ang kanilang contingency plan sa Guam maging sa South Korea sakaling mauwi sa bakbakan ang hamunan ng Amerika at Nokor.
By Drew Nacino