Minomonitor parin ng Department of Foreign Affairs ang mga filipino bikers na patuloy na nagpapagaling sa ospital matapos mabangga ng isang SUV sa Kuwait.
Sa esklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Foreign Affairs Under Secretary Eduardo De Vega, na siyam sa mga pilipinong biktima ay nakalabas na ng ospital habang nanatili parin sa pagamutan ang dalawa pang biktima.
Itinanggi din ng opisyal na hate crime ang nangyayari sa sitwasyon ng mga pilipino sa nasabing bansa.
Iyong dalawa hindi pa nakalabas, ang nine wala na sa hospital , head trauma iyong isa, iyong isa back injuries, ang tagal niyan bago gagaling, so na andoon po, kaya so far walang lumalabas na retrive kaya so far ang driver nagsurrender nga eh, matagal ng issue na ito sayo, so kulang ang space at bike lane, sa mga hindi sasakyan, kasi ang nangyari siguro aggresibo pa, ” akin ang side of the road na iyan” . Kaya’t wala siyang pakialam, andiyan ang side view sa kanan, walang proof na hate crime, kaya walang hit interior ng driver, base iyan sa ebidensiya, walang malinaw na intent”.
Iginiit pa ni Usec. De Vega, na dapat mabigyan ng karapatan at proteksiyon ang mga siklistang pinoy kahit walang permit sa sporting event.