Itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ‘unceremoniously ignored’ o inisnab umano ang Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng enthronement ceremony ni Emperor Naruhito sa Japan.
Kasunod ito nang paglutang ng isyu hinggil sa pang i-isnab umano sa Pangulo na dahilan ng maagang pagbalik nito ng Pilipinas.
Sa facebook post ng isang Ding Velasco wala umanong iniinda ang Pangulo at idinahilan lamang ito para makuha ang simpatiya at hindi batikusin ng publiko matapos isnabin sa Papan.
Subalit ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Menies, nakumpirma niya sa Philippine Embassy sa Tokyo na mali ang nasabing fb post ni Velasco.
Magugunitang pinutol ng Pangulo ang 2 araw sanang pagbisita sa Japan dahil sa pananakit ng spinal column nito.