Itinanggi ni Foreign Affairs Acting-Executive Director Maria Lourdes Montero na alam ng kanilang ahensya ang ginawa ng mga barko ng China sa Benham Rise.
Wala, aniya, silang natanggap na impormasyon hinggil sa anumang marine scientific research sa tatlong buwang pananatili ng mga barko ng China sa Benham Rise.
Ayon kay Montero, noong 2015 at 2016 pa tinanggihan ng Pilipinas ang hiling ng China para sa nasabing research.
Samantala, tumanggi si Montero na sabihing nilabag ng China ang protocol dahil sa hindi nito pag-abiso sa DFA o Department of Foreign Affairs hinggil sa kung ano ang gagawin ng kanilang mga barko sa Benham Rise.
Wala aniyang kumpletong detalye ang DFA sa nangyari kaya mahirap sabihin kung isa itong uri ng breach of protocol.
PAKINGGAN: Pahayag ni Foreign Affairs Acting-Executive Director Maria Lourdes Montero
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno